May panahon na mag-blog kaya magiging aktibo muli - SANA ang mga blogs ko. Nais ko na isulat karamihan ang mga entry o posting dito sa Filipino o Taglish. Dahil ang pamagat ay nasa Filipino kung kaya't susubukan ko na magsulat sa Filipino.
May unang entry na subalit wala pang maayos na pambungad kung ano ang blog na ito kung kaya't susubukan ko na bigyang linaw kung ano ang blog na ito.
Tawag ko sa sarili, akoy anak ng OFW, kapatid ng OFW, kamag-anak ng OFW, mamamayan ng bansa ng OFW. Ipinagmamalaki ko na OFW din ako.
Si tatay nagsimula maging Overseas Contract Worker (OCW, bago tawaging OFW) noong 1977. Isa siyang seaman. Bagamat maituturing ko na lumaki ako na halos walang ama, laking pasasalamat sa kaniyang pagpupunyagi dahil tulad ng sinumang magulang nais niya na mabigyan ang mga anak ng magandand kinabukasan. Kaya halos lahat
kami ngayon ay nakapag-aral na o nakatapos ng kolehiyo (ang bunso namin ay magtatapos ngayong Marso 2008). Naging OFW din ang dalawa kong kapatid mga seamen sila. Marami sa pinsan at iba pang kamag-anak ang naging OFW ang iba lalo na sa mga babaeng kamag-anak ay mga Domestic Helpers sa Hongkong, Singapore, Brunei at iba pang lugar. Ayon sa estatistika 10% ng mamayang Pilipino ay mga OFW at sila ang pangunahing pinagmumulan ng yaman ng bansa.
Ako naman ang dalawang taon kontrata sa Riyadh, KSA ay nagpatuloy ng limang buwang extension, mula 2002-2005. Naging intern sa isang foundation sa Gwangju, Republic of Korea ng 2005-2006. Bumalik muli ng 2007 at hanggang sa kasalukuyan isang OFW. Naghahangad na makatapos na sa pag-aaral ang bunsong kapatid at tulad ng karamihan nag-aaral para maging Nurse.
Ang blog na ito ay maglalaman ng kuwentong buhay ng mga OFW. Hindi lang personal na kuwento ko kundi gayon din ang mga kaibigan at iba pang mga kakilala.
Layunin din na maging resource ang blog na ito. Maraming mga samahan at organisasyon na tumutulong sa mga OFW kung kayat marapat lamang na mabanggit sila. Mailalathala din ang iba pang mga balita at mga entrepreneurship/business opportunities para sa mga OFW at iba pang mga best practices at success stories na dapat malaman.
Kung kayat sino man ang gusto na magbahagi, kayo po ay welcome.
Maari po akong ma-email sa address na - peterahon@gmail.com
Tuesday, January 15, 2008
Pambungad at Pagpapakilala sa Blog na ito
Labels:
contract workers,
Filipino,
migrant workers,
OCW,
OFW
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
[url=http://www.payloansonline.com]online payday loans[/url]
This is the best way to get all your health products online like green coffee, african mango, phen375 and others. Visit now
[url=http://www.squidoo.com/idol-lash-eye-lashes-growth]Idol Lash[/url]
Post a Comment